31
views
supreme-court1
By

Watchlist order ng DOJ, unconstitutional – SC

Sharing is caring!

Idineklara nang unconstitutional ng Korte Suprema ang kapangyarihan ng Department of Justice (DOJ) na magpalabas ng watchlist order (WLO) na pumipigil sa isang indibiduwal na makalabas ng bansa ang isang indibiduwal na may kinakaharap na kaso sa piskalya kahit walang court order.

Sa deliberasyon ng Korte Suprema ngayong araw na ito sa lungsod ng Baguio, unanimous ang naging boto ng mga mahistrado.

Nag-inhibit naman sa botohan si Justice Benjamin Caguioa.

Sa desisyong pinonente ni Justice Andres Reyes Jr., tinukoy na labag ang DOJ Department Circular No. 41 na pinagbabatayan ng WLO sa right to travel na ginagarantiyahan ng Article III, Section 6 ng 1987 Constitution.

Dahil dito, ipinawalang-bisa rin ng Korte Suprema ang lahat ng mga issuances o kautusan na ipinalabas ng DOJ sa bisa ng Circular No. 41 na ipinalabas pa ni dating Acting DOJ Secretary Alberto Agra noong Mayo 25, 2010.

Ayon pa sa Kataas-taasang Hukuman, walang ligal na batayan ang kinukuwestiyong circular dahil sa kawalan ng batas na nagpapahintulot sa kalihim ng DOJ na magpalabas ng hold departure orders, watch list orders o allow departure orders.

Ang WLO ay pansamantalang pinigil ng Korte Suprema noong 2011 nang magpalabas ito ng temporary restraining order laban sa nasabing kapangyarihan ng DOJ.

Nag-ugat ang kaso sa petisyong inihain ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Arroyo na kumukuwestiyon sa inisyung watch list order laban sa kanya ni dating Justice Secretary Leila de Lima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?