22

Jun 13, 2020 @ 16:28

Watawat ng `Pinas pinailaw sa Dubai

Kasabay ng paggunita ng ika-122 anibersayo ng Independence Day o Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, masaya ring pinagdiwang ng United Arab Emirates ang nasabing okasyon.

Ito ay sa pamamagitan na rin ng pagpapailaw nila ng disensyo ng bandila ng bansa sa Burj Khalifa sa Dubai.

Sa Instagram ay ipinasilip nila ang ginawa nilang pailaw sa Burj Khaliufa, na itinuturing na pinakamataas ng gusali sa buong mundo.
“#BurjKhalifa lights up in celebration of Philippine’s Independence Day,” nakasaad sa kanilang IG post kasabay ng positibo nilang hangad at pagbati sa mga mamamayang Filipino.

“We wish the Filipino community progress and prosperity.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?