91
'Watawat' hikaw susuotin ni Gazini sa Miss Universe
By

‘Watawat’ hikaw susuotin ni Gazini sa Miss Universe

Matapos magsuot ng iconic “Three Stars and the Sun” ear cuff ni Catriona Gray nang manalo siyang Miss Universe 2018, bet din ng pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2019 pageant na si Gazini Ganados na magsuot ng national pride.

Magsusuot si Ganados ng tinatawag na “Watawat” earrings na likha ng artist and accessory designer na si Kathryn Fanlo.

“Watawat — a symbol of peace, unity and Filipino pride,” ani Fanlo sa social media post.

Specially made ang chandelier-type earrings para kay Gazini.

“Thank you for helping promote local talent and showing the rest of the world our rich culture,” dagdag pa ni Fanlo.

Ipapalabas nang live ng ABS-CBN sa December 9 ng 8:00 a.m. ang Miss Universe coronation night.

Upang masiguro na makapasok si Gazini sa Miss Universe Top 20, maaari siyang iboto sa official Miss Universe website. Libre ito at hanggang Disyembre 6.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?