cheerleaders
By

Washington cheerleaders nagbuyangyang ng ‘papaya’

Sharing is caring!

Pinag-topless umano ng Washington Redskins ng NFL ang kanilang cheerleaders sa isang photoshoot sa Costa Rica.

Ayon sa ulat ng The York Times, 2013 nang magsagawa ng cheerleader calendar photo shoot ang NFL (National Football League) team, ni-require na mag-topless ang cheerleaders.

Ang matindi, binigyan pa raw ng up-close access sa photo shoots ang all-male group ng sponsors at FedExField suite holders.

Sinabi ng nagsulat na si Juliet Macur na nakausap niya ang limang cheerleaders na kasama sa trip, gayundin ang iba pang nakadinig ng kuwento na nagpatotoo sa detalye ng insidente.

Isang gabi ay sinabihan daw ng squad director ang siyam sa 36 cheerleaders na pinili sila ng sponsors para maging “personal escorts” sa nightclub. Maliban sa pagiging escort ay wala nang iba pang mangyayari sa nightclub trip.

Pinabulaanan naman ng director ng Redskins cheerleaders na si Stephanie Jojokian ang ilang detalye ng trip, sinabing hindi mandatory ang pagsama sa nightclub. Dalawang cheerleaders pang kasama sa trip ang nagsabi sa The Times na hindi pinuwersa ni Jojokian ang cheerleaders.

Ang Redskins na rin ang nagsabi sa The Times na hindi binayaran ang cheerleaders sa weeklong trip maliban sa transportation, meals at lodging.

Pagkatapos ng Costa Rica trip, ilang cheerleaders umano ang umalis sa squad dahil pakiramdam nila ay “worthless and uprotected” sila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?