28
steph

Warriors winalis ang Pelicans sa Game 5, 113-104

Sharing is caring!

Hindi na pinahirit ng Golden State ang New Orleans at pinag-empake na ito sa Game 5, 113-104, para umabante sa Western Conference finals nitong Martes (Miyerkoles sa Pinas).

Tumapos ng 28 points si Stephen Curry habang may 24 si Kevin Durant na dumurog kay Anthony Davis, matapos lumagare ng 34 points at 19 rebounds.

Nakisali pa sa puntusan si Klay Thompson sa itinalang 23 points para sa Warriors.

Tumabla na ang Warriors sa NBA record ng Chicago sa pagtala ng ika-15 nilang sunod na home playoff win.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?