47
kevin-durant2
Apr 25, 2018 @ 14:25
By

Warriors tinapos ang Spurs; pasok na sa semis vs Pelicans

Umiskor si Kevin Durant ng 25 puntos habang pinangunahan naman ni Draymond Green ang depensa ng Golden State para makuha ang 99-91 win kontra San Antonio Spurts sa Game 5 at umusad sa second round ng Western Conference playoffs.

Muling na namang nag-init ang kamay ni Klay Thompson na nag-ambag ng 24 puntos habang may 17 puntos at career-playoff high 19 rebounds si Green kasama ang pitong assists.

Nagtangkang humabol ng Spurs sa pamamagitan ng three-point play at dalawang free throws ni LaMarcus Aldridge para ilapit ang Spurs 93-91 subalit sumagot si Green ng isang long jumper, 9.1 second natitira sa laban.

Umiskor pa ng apat na free throws ang Warriors para maselyuhan ang panalo.

Kakaharapin ng Warriors ang New Orleans sa West semifinals na magsisimula ngayong linggong ito sa Oracle Arena.

Namuno sa Spurs si Aldridge na may 30 puntos at 12 rebounds.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?