57
westbrook-warriors-westbrook-curry
Feb 25, 2018 @ 16:43
By

Warriors rumesbak sa Thunders

Nailabas din ng Golden State ang hinahanap na depensa ni coach Steve Kerr, at niresbakan ng Warriors ang Oklahoma City 112-80 Sabado ng gabi sa Oakland.

Dalawang beses tinalo ngayong season ng Thunder ang Warriors: 108-91 noong Nov. 22, at 125-105 noong Feb. 6 sa Oracle Arena din.

Pagbalik mula All-Star break, kinulit ni Kerr ang kanyang Warriors para kumayod agad sa depensa sa umpisa pa lang ng laro.

Nakinig ang Warriors, at nilimitahan ang Thunder ng mas mababa sa 100 points. Sa huling 16 na laro, 14 na pagkakataong umiskor ng 100 o higit pa ang Oklahoma City na pinangunahan ng 15 points, 12 rebounds at seven assists ni Russell Westbrook.

Nadiyeta si Paul George sa katiting na five points matapos magpasabog ng 38 nang huling dumayo ang Thunder sa California. Ibinaon ni George ang una niyang basket – isang 3 sa harap ng pambubulabog ni Kevin Durant – 7:52 pa sa third. Bago iyon ay 0 for 9 siya sa laro, at tumapos ng 1 for 14.

Umiskor si Durant ng 28, nagdagdag si Stephen Curry ng 21 sa likod ng limang 3-pointers at may palamuti pang nine rebounds, six assists at three steals.

Kumaripas ng 37-11 run ang Golden State sa third, 30 points sa final 8:48 ng period.

“We’re champions. We’re 46-14 and we’ve got one of the best road records in the league,” wika ni Durant.
Nagtulakan, nagtalakan at nagsigawan sina Durant at Carmelo Anthony sa second quarter at kinailangan paglayuin bago binigyan ng double technical.

Tumapos si Draymond Green ng 10 points, eight assists, five rebounds at isa pang technical. Nakaka-15 na Ts na si Green ngayong season, isa na lang ay makakakuha ng automatic one-game suspension.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?