145

Feb 16, 2018 @ 12:32

Warriors, Rockets namumuro sa pagbalik ni Chris Bosh

Nagpahayag ng kagustuhang maglarong muli si dating NBA All-Star Chris Bosh na lumiban mula pa ng nakaraang 2015-16 season dahil sa isyu ng blood-clotting.

“I’ve been in the gym. I can still play basketball. No, I’m not done yet. Yeah, I’m trying to come back,” ani Bosh sa panayam ng First Take sa ESPN.

Kailangang pumirma sa koponan si Bosh bago mag-Marso 1 para makasabak sa playoffs.

Ani Bosh, gusto niyang kumampi sa nagpapanalong team, at sinama sa kanyang listahan ang Houston Rockets, Golden State Warriors at Toronto Raptors.

Naiintindihan naman umano ni Bosh kung mag-alala ang iba sa maaaring paglala ng blood clots niya kung babalik sa liga, pero siniguro nito na hindi naman niya ilalagay sa peligro ang kanyang buhay.

“I’m not going to be in a position where I’m risking my life,” pahayag ni Bosh. “So if I ever get back on the court like that and people are worried, it’s not going to be a life-risking situation.”

Nagsimula ang blood clot nito ng 2014-15 All-Star break. Isang taon ang nakalipas, panibagong clot na naman ang nakita sa kanya nang dumaong sa Toronto para sa 2016 NBA All-Star Game. Hindi na nakapaglaro si Bosh matapos nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?