stephen-curry

Warriors, pumana ng 2-0 sa pagbabalik ni Curry

Sharing is caring!

Tumapos na may 28 points si Stephen Curry matapos makabalik mula sa knee injury.

Halos anim na linggo na hindi nakita sa hilera ng Golden State si Curry at sa kanyang pagbabalik ay niregaluhan ang Warriors ng 121-116 panalo laban sa New Orleans Pelicans.

Umakyat sa 2-0 ang record ng Warriors ngayon sa Western Conference semifinals laban sa New Orleans matapos nilang maigapos din si Anthony Davis.

Tumapos si Davis na may 25 points at 15 rebounds, habang may 24 points, 8 rebounds at 8 assists para sa Pelicans si Jrue Holiday.

Matiyagang naghintay ng kanyang pagpasok si two-time MVP Curry, nagpagpag ng kanyang mga binti at nagpalakpak ng mga kamay.

At siyempre pa, hindi mawawala ang paglabas-masok sa bibig niya ng kanyang mouthpiece.

Pumasok siya 4:20 sa orasan sa first quarter na sinalubong ng hiyawan ng fans sa loob ng Oracle Arena.

Nagpakawala agad si Curry ng 3-pointer na nagpaabante sa kanila, 19-11, sa first quarter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?