45

Dec 26, 2019 @ 17:55
By

Warriors ‘pinutulan’ sina Harden, Westbrook

Merry ang Christmas ng Golden State sa San Francisco.

Pinamaskuhan ng depleted Warriors sina James Harden, Russell Westbrook at dumayong Houston Rockets ng 116-104 loss nitong Dec. 25 sa Chase Center.

Nagsumite si Damion Lee ng 22 points at career-high 15 rebounds, nilista ni Draymond Green ang 16 sa kanyang 20 points sa second half at rumolyo sa pangatlong sunod na panalo ang Warriors.

“We’re probably not going to play a bigger game than this all year,” ani coach Steve Kerr. “A national TV game against the Rockets. This game meant a lot to us.”

Nagdagdag si D’Angelo Russell ng 20 points, may 18 points pa si Glenn Robinson III.

Naputol ang four-game winning run ng Houston na giniyahan ng 30 points at 12 rebounds ni Westbrook. Nalimitahan si Harden sa 24 points at 11 assists, may 18 markers si Danuel House Jr.

Kinumpleto ni Wetbrook ang pang-siyam na sunod niyang laro na may at least 20 points, pinakamahaba ng isang Rockets player na hindi nagngangalang Harden pagkatapos magtuhog ng 10 straight si Tracy McGrady noong 2007.

Nagbaba din ng 11 rebounds si Green, sa driving layup niya kulang 5 minutes pa sa third quarter ay lumamang ang Golden State at hindi na bumitaw.

Isinubo ni Ky Bowman ang bola sa rim bago ang buzzer tungo sa 92-87 Warriors edge papasok ng fourth.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?