17
ABANTE NBA WARRIORS HOUSTON
By

Warriors pinasabog ang Rockets sa triple-double ni Green

Sharing is caring!

Tumipa si Stephen Curry ng 29 points at triple-double mula kay Draymond Green na nagpa-alsa sa Golden State Warriors para ibulusok ang Houston Rockets, 124-114, Huwebes ng gabi.

Sa pukpukan ng dalawang dalawang pinakamataas na scoring teams sa NBA, kibit balikat lang ang reigning champion Warriors na wala si forward Kevin Durant, at pinagtakpan ni Andre Iguodala ang kanyang serbisyo bilang starter at nakapag-ambag ng 10 puntos at pitong assists.

Ang 17 points, 14 rebounds at 10 assists ang naghatag kay Green bilang team’s franchise leader sa triple-doubles na may 21.

Dagdag si Klay Thompson ng 28 points para sa Warriors, na naungusan ng isang puntos sa halftime.

Pitong beses ang palitan ng bentahe sa tersera kanto bago naipuslit ng Warriors ang 8-0 arangkadahan para ipinid ang yugto at hindi na natigatig sa fourth, tapos ikayod ang ungos sa 14 puntos.

Ang panalo ng Warriors ay ikalawa sa dalawang magkasunod na gabi, at pangsiyam na sunod sa pagdayo matapos ang 125-122 tagumpay kontra Mavericks sa Dallas, Miyerkoles.

Naisampa ang kanilang league-leading record sa 31-8.

Ikalawang sunod na asignatura naman ito para sa Houston na wala ang kanilang NBA leading scorer James Harden, na tumambay muna sanhi ng hamstring injury.

Pinalitan si Harden sa kanyang puwesto ni Eric Gordon na may 30 puntos sa paglarga ng Rockets. Si Gerald Green buhat sa bench ay iskor ng 29, pinantayan ang kanyang career high sa pagpitas ng walong three-pointers. (AFP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?