80

By

Warriors pinabilib ang kanilang mga fan sa GenSan

Sharing is caring!

Pinasaya ng General Santos Warriors ang kanilang fans sa Lagao Gymnasium matapos talunin ang Pampanga Lanterns, 72-64, sa 2018 Maharlika Pilipinas Basketball Datu Cup nitong Sabado, Setyembre 1.

Maagang sumabog ang Warriors para kunin ang unahan 14-3 at hindi na lumingon pa hanggang sa pappasok ng huling quarter 50-39.

Pero may natitira pang laban ang Lanterns at idinikit sa lima ang kalamangan ng Warriors sa tulong ng free throw ni Jimbo Aquino 50-55.

Gayunman, hindi na sila pinagbigyan ng Warriors dahil uminit na si Leomer Losentes para tumapos ng 21 puntos at anim na assists. Nakakuha naman siya ng tulong kay John Orbeta na nagdagdag ng 11 marka.

Mayroongs 14 puntos si Aquino at umiskor naman ng 10 marka si Allen Enriquez.

Umangat sa 3-4 ang Warriors samantalang bumagsak naman sa 3-5 ang Lanterns.

Sunod na makalalaban ng General Santos ang Bulacan Kuyas samantalang Imus Bandera naman ang sa Pampanga.

Bago ang laro, nanaig ang Bataan Risers sa Makati Skyscrapers sa overtime, 72-70.

Pinangunahan ni ‘El Granada’ Gary David ang Risers na may 15 puntos. Si John Rey Villanueva naman ang namuno sa Skyscrapers na gumawa ng 15 puntos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?