48

Mar 18, 2018 @ 17:52

Warriors panalo sa Suns kahit wala ang 3 All-Stars

Kumana si Quinn Cook ng 16 sa kanyang career-high 28 points sa third quarter para pangunahan ang pilay ng Golden State Warriors sa panalo kontra Phoenix Suns 124-109 Sabago ng gabi.

May 25 points, 11 rebounds at walong assists si Draymond Green para sa Warriors na tinalo ang Phoenix sa nakalipas ng 13 laro kahit wala ang key players na sina Stephen Curry (ankle), Kevin Durant (ribs) and Klay Thompson (fractured thumb).

Ang trio ay may average ng 73 points kada laro. Wala naman sa Suns si Devin Booker na tinamaan ng right hand sprain.

Nanguna sa Suns si Josh Jackson sa kanyang career-high 36 points at 18 naman kay Troy Daniels.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?