61

Oct 16, 2019 @ 19:48
By

Warriors kinatay nina McGee, Howard

Kung may isang ipinagdiinan ang Los Angeles Lakers sa 104-98 win kontra Golden State noong Lunes, ‘yun ang katotohanang kulang nga sa bigs ang Warriors.

Ipinagwasiwasan nina JaVale McGee at Dwight Howard sa paint ang Warriors.

Nambarako si dating three-time Defensive Player of the Year Howard ng 13 rebounds sa loob ng 22 minutes. Si McGee, miyembro ng 2017 at 2018 championship teams ng Warriors, ay nagbaba ng 5 boards sa 17 minutes.

Nangolekta ng 48 points sa paint ang LA kumpara sa 38 ng Golden State.

Dalawang beses na tinalo ng Lakers ang Warriors sa preseason.

Ang malaki lang sa roster ni coach Steve Kerr na puwedeng sumabay ay si 6-foot-10, 240-pound Marquese Chriss.

Pero wala pang kasiguruhan kung bibigyan si Chriss ng spot.

Hindi pa nakakalaro ang lehitimong big man ni Kerr na si Kevon Looney (hamstring strain), mid-November pa ang inaasahang balik ni Willie Cauley-Stein (mid-foot sprain).

Nagsasalitan sa gitna sina Chriss at 6-foot-9, 270-pound Omar Spellman. Si 6-10, 245-pound Kavion Pippen ay limitado pa ang minuto.

“It’s just really, really frustrating,” wika ni Kerr. “If we don’t get that cleanded up, we’re in huge trouble this year. We know that.”

May 17 rebounds si Spellman sa 51 minutes sa preseason, may 28 caroms si Chriss sa 65 minutes.

Si rookie forward Eric Paschall ay nakalistang 6-9, isinara ang laro na nasa center. May 9 rebounds lang siya sa 70 preseason mintues.

“You’ve got to defend without fouling, and you’ve got to rebound,” giit ni Kerr.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?