316

By

Warriors GM naiyak sa injury ni Durant

Naging emosyonal si Golden State Warriors General Manager Bob Myers sa isinagawang press conference matapos ang Game 5 ng NBA Finals.

Imbes magdiwang dahil naipwersa ng kaniyang koponan ang Game 6, naiyak siya dahil sa injury ni Kevin Durant.

Inanunsiyo nito ang Achilles injury ni Durant at sinabing sasailalim ang superstar forward sa MRI bukas (June 12).

Ani Myers, kung mayroon mang dapat sisihin sa injury ni Durant, walang iba kundi siya.

“I don’t believe there’s anybody to blame,” ani Myers. “But I understand this world. If there’s anybody to blame, blame me.”

Agad ding dinepensahan ni Myers si Durant sa mga kritiko at sinabing ito ay isa sa mga “most misunderstood people.”

“He is a good teammate, a good person. It’s not fair…”

Panoorin dito ang ginanap na presscon ni Myers:

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?