28
kd
May 7, 2018 @ 15:29
By

Warriors 3-1 na matapos padapain ang Pelicans sa Game 4

Isa panalo na lang ang kailangan ng Golden Warriors para muling umusad sa Western Conference finals matapos talunin ang New Orleans Pelicans, 118-92.

Nanguna sa Warriors si Kevin Durant sa kanyang 38 puntos at siyam na rebounds. Angat sa serye ang Warriors 3-1.

Sa Game 3, natambakan ng Pelicans ang Warriors ng 19 puntos subalit sa Game 4, nag-regroup ang Warriors para sa kumbinsidong panalo kung saan lumamang pa sila ng hanggang 26 puntos.

Nag-ambag si Stephen Curry ng 23 puntos, may 13 si Klay Thompson, at 12 naman kay Quin Cook na dating reserve player ng Pelicans.

Namuno naman sa Pelicans si Anthony Davis na may 26 puntos at 12 rebounds. Kumana lamang ang Pelicans ng 36 percent (32 of 38) sa kanilang mga tira.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?