35

Jun 18, 2020 @ 13:44
By

Warrantless arrest probe vs. MPD ikinasa ng 7 kongresista

Pinaiimbestigahan ng pitong kongresista ang posibilidad na may pang aabusong ginawa ang mga miyembro ng Manila Police District (MPD) nang arestuhin ng mga ito ng walang kaukulang arrrest warrant ang dalawang negosyanteng muslim sa San Andres, Maynila noong Hunyo 12.

Nakapaloob ito sa House Resolution No. 981 na inihain ng mga kongresista sa pangunguna ni Deputy Speaker at Basilan Rep. Mujiv Hataman.

“The primary objective of this probe is to get to the bottom of what happened in the afternoon of June 12 in the residence of the two Muslim traders, get the side of the police, find out if there was really abuse of authority, and study if there is a need for legislation to address an injustice,” ayon kay Hataman.

Kasabay nito, hindi maitago ni Hataman na mabahala dahil sa paniniwalang maaaring lumalala pa ang mga pang-aabuso ng mga awtoridad sa napipintong pagsasabatas ng Anti-Terrorism Bill.

“Madalas kasi mangyari ang pang-aabuso ng ilan sa ating mga kapulisan, lalo na sa ating mga kapatid na Muslim. At mas lalong nakababahala ito dahil sa napipintong pagsasabatas ng Anti-Terrorism Bill na sa tingin ko ay open na open sa pang-aabuso ng mga magpapatupad nito,” dagdag pa ni Hataman.

Sa ulat, lumitaw na noong June 12 nang isailalim sa ‘unreasonable search and seizures, at illegal warrantless arrest sila Abdullah Palawan Maute at Saadudin Alawiya ng mga miyembro Manila Police District (MPD) Station 5.

Sapilitan umanong pinasok ng mga pulis ang bahay ng dalawa na hindi nagpakilala ng kanilang sarili at walang dalang search warrant o warrant of arrest na bahagi umano ng isinagawang buy-bust operation.

Kabilang pa sa may akda ng resolusyon ay sina Lanao del Sur 1st District Rep. Ansaruddin Abdul Malik Adding, Sulu 2nd District Rep. Munir Arbison, Maguindanao 2nd District Rep. Esmael Mangudadatu, Lanao del Sur 2nd District Rep. Yasser Alonto Balindong, Maguindanao 1st District Rep. Datu Roonie Sinsuat Sr., at Anak Mindanao Partylist Rep. Amihilda Sangcopan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?