78

By

Warrant of arrest vs 4 dating kongresista, iaapela ng Makabayan Bloc

Kinondena ng Makabayan Bloc ang inilabas na warrant of arrest laban kina dating congressmen Satur Ocampo, Rafael Mariano, Teddy Casiño at Liza Maza.

Sa press conference, sinabi ni Atty. Rachel Pastores, na maghahain sila ng motion for reconsideration upang maidepensa ang apat.

Paliwanag nito, sampung taon na ang nakalilipas nang isampa ang kasong murder sa Palayan City Branch 40 kaugnay sa pagkamatay ng tatlong miyembro ng kalaban nitong Akbayan partylist sa Nueva Ecija pero bakit buhay pa umano ang naturang kaso.

Isa umano itong hakbang para gipitin ang mga naturang militanteng mambabatas.

Dagdag pa nito, wala umanong bagong ebidensya at walang mga testigo na iniharap kaya walang basehan ang korte para sabihing may probable cause laban sa apat na dating kongresista. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?