50

Sep 16, 2021 @ 13:59
By

Warrant of arrest hiling ng Akbayan sa ICC vs Duterte

Ikinatuwa ng Akbayan Partylist ang naging hakbangin ng International Criminal Court (ICC) na ituloy ang imbestigasyon sa drug war ng administrasyong Duterte.

Kaugnay nito, hinimok ni Akbayan first nominee Perci Cendaña ang ICC na maglabas agad ng arrest warrant laban kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa mga kaalyado nitong may kinalaman sa war on drugs.

Ayon sa Akbayan, matapos ang initiation ng investigation ay maaari nang mag-issue ang ICC Pre-Trial Chamber ng warrant of arrest sa tulong ng isusumiteng ebidensiya.

“We welcome the ICC’s start of its investigation against Duterte and his cohorts. This is justice in action. To move this case further forward, we call on the ICC to immediately issue warrants of arrest against Mr. Duterte and all the individuals implicated in the complaints. They must be immediately arrested and detained to ensure that they will have their day in court and answer for their crimes against the people,” wika ni Cendaña.

Gayundin, hinimok ng partylist ang mga botante na huwag ng suportahan ang kampo ni Duterte sa 2022 elections bilang pagsuporta na rin sa imbestigasyon ng ICC.

“We call on all democracy-loving Filipinos to band together and defeat Mr. Duterte and his ‘continuity candidates’ in the 2022 elections. The president would like to postpone his day of judgment and escape the call of justice through an electoral power grab. This is something that we cannot, and should not, allow. Voting them out of power is a vote for truth, justice and accountability,” ani Cendaña. (MJD)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?