127

By

Warrant of arrest kay Romero, pinawalang-bisa ng CA

Sharing is caring!

Pinawalang-bisa ng Court of Appeals (CA) Fifth Division ang warrant of arrest na inisyu ng Manila Regional Trial Court laban kay 1-Pacman Partylist Representative Michael Romero.

Ito ay makaraang magpasya ang appellate court na katigan ang petisyon ni Romero at baligtarin ang finding of probable cause laban sa kanya, at sa mga kapwa niya akusado na sina Felicia Aquino at Edwin Jeremillo para sa kasong qualified theft na isang non-bailable offense.

Ang 20-desisyon na may petsang November 16, 2017 ay sinulat ni Associate Justice Magdangal de Leon at sinang-ayunan nina Justices Franchito Diamante at Zenaida Galapate-Laguilles.

“WHEREFORE, the petitions are GRANTED. The Omnibus Order dated January 6, 2017 and the Order dated February 27, 2017 of the Regional Trial Court, Branch 11, Manila, in Criminal Case No. CR-16-326317 are ANNULLED and SET ASIDE. The Warrant of Arrest issued against Felicia T. Aquino, Michael L. Romero and Edwin L. Jeremillo is immediately LIFTED. Accordingly, the Information for Qualified Theft is ordered WITHDRAWN,” ang nakasaad sa desisyon ng CA.

Nag-ugat ang kaso sa inihaing reklamo ng Harbour Center Port Terminal Incorporated (HCPTI) matapos na mag-isyu ang grupo nina Romero ng 18 tseke mula sa bank account ng HCPTI bilang bayad sa National Food Authority (NFA).

Ayon sa CA, nakitaan nila ng grave abuse of discretion o pagmamalabis si Manila RTC Judge Cicero Jurado Jr. nang kanyang balewalain ang motion to withdraw information na isinumite ng Department of Justice (DOJ).

Ang pag-abusong ito ay lumala pa nang magpasya umano ang hukom na may probable cause ang kaso, bagay na sakop umano ng mandato ng prosekusyon.

“Clearly, respondent Judge gravely abused his discretion when he denied the DOJ’s Motion to Withdraw Information. In denying the motion to withdraw, he further abused his discretion when he determined the existence of probable cause and worse, he issued a warrant of arrest against petitioners,” ayon pa sa desisyon.

Tinukoy pa ng appellate court na para umusad ang reklamong kriminal laban kay Romero, kinakailangan munang malutas ang tinatawag na “prejudicial question” na tumutukoy sa usapin ng pagmamay-ari ng HCPTI. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?