105
ABANTE-TNT-warehouse-sunog
Jan 1, 2018 @ 15:25
By

Warehouse ng plastik nasunog isang oras bago ang 2018

Isa namang sunog ang sumiklab sa isang imbakan ng plastik sa Lungsod ng Caloocan kamakalawa ng gabi ilang minuto na lang bago ang pagsalubong sa Bagong Taon.

Alas 11:00 pasado ng gabi nang sumiklab ang sunog sa isang warehouse ng mga plastic sa kahabaan ng Heroes Del 96, Barangay 74 ng nasabing lungsod.

Ayon sa mga residente sa lugar, sang makapal na usok umano ang kanilang nakitang lumalabas sa bandang bubong ng gusali ng warehouse dahilan upang agad silang tumawag ng bumbero.

Nag-umpisa sa mismong kisame nito ng imbakan ng plastik.

Agad din namang naapula ang apoy ganap na alas 11:37 ng gabi sa pagtutulungan na rin ng mga bumbero ng gobyerno at mga fire volunteers na agad na nakaresponde sa lugar

Wala namang naiulat ng namatay o nasaktan sa insidente.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pinagmula ng sunog. (Cherk Balagtas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?