198
Antonio-trillanes
By

War on drugs ni Duterte, peke – Trillanes

Sharing is caring!

“Dagdag pruweba ito na peke ang drug war ni Digong.”

Sinabi nito ni Senador Antonio Trillanes IV matapos na ipabasura ng isang panel ng prosecutors ng Department of Justice (DOJ) ang drug cases laban kina Kerwin Espinosa, Peter Lim, at iba pang itinuturing na drug lords.

“The DOJ’s exoneration of these known druglords is yet another proof that what Duterte unleashed upon us is a fake drug war,” ani Trillanes.

Ayon kay Trillanes, palibhasa kaibigan at kumpare ni Pangulong Duterte si Lim kaya ligtas ito sa kaso.

Ibang-iba aniya kapag mahirap ang inaakusahang sangkot sa bentahan ng droga dahil agad na natatagpuang patay.

“Kapag mahirap, walang tanong-tanong, patay agad. Kapag drug lords at kumpare pa ni Duterte, may due process na, absuwelto pa sa kaso,” pahayag nito.

Inungkat ang pagpapakulong nito kay Senadora Leila de Lima na inakusahang kasabwat ng drug lords sa bilibid at umano ay tumanggap ng campaign fund mula kay Espinosa.

“Kapag kay Sen. De lima, na kalaban sa pulitika, kahit nagkabuhol-buhol na ang mga scripted na testimonya, sampa agad sa korte para makulong. Mr. Duterte, pinagloloko mo ang taumbayan,” sabi ni Trillanes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?