136

Dec 8, 2017 @ 12:53
By

War on drugs, dapat walang deadline – Alvarez

Hindi umano dapat singilin ng publiko si Pangulong Rodrigo Duterte kung bigo itong tapusin ang problema sa droga sa itinakdang deadline.

Ayon kay Speaker Pantaleon Alvarez, dapat pang bigyan ng mas mahabang panahon ang Pangulo sa kanyang war on drugs.

Ginawa ni Alvarez ang pahayag matapos humingi ang Pangulo ng isa pang taon para pagtagumpayan ang pangunahing agenda ng administrasyon na tapusin ang problema sa iligal na droga sa Pilipinas.

“Para sa akin… sige, sabihin niya, I mean… mabuti na iyan, nagbibigay siya ng deadline, hindi ba? Nagbigay siya… kaysa naman wala talaga siyang ginagawa. At least ito, kung halimbawa matapos niya in one year, eh di maraming salamat,” sabi ni Alvarez.

Paliwanag ng Speaker, kahit ang bagong deadline na ito ng Pangulo ay hindi sapat kaya hindi ito kailangang ituring na hard and fast deadline dahil sadyang mabigat ang problema sa droga ng bansa.

Mayroon naman aniyang hanggang 2022 si Duterte para isakatuparan ang kampanya.

“He has until 2022 to do it. Hindi lang basta… bigyan lang siya ng isang taon ba… hanggang 2022 naman ‘yung kanyang termino hindi ba?” giit ni Alvarez.

Matatandaang si Pangulong Duterte lamang ang nagtatakda lagi ng deadline sa sarili niya para sa kanyang giyera kontra droga mula pa noong presidential election. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?