Bumiyahe pa sa Baguio City si TV and radio host Tim Yap upang ipagdiwang doon ang kanyang birthday.
Kumalat naman sa social media ang mga litrato at video niya kasama ang mga kaibigan na nagkakasiyahan nang walang suot na face mask at hindi na nakasunod sa social distancing.
Nangyari ang mask-less celebration sa The Manor sa loob ng Camp John Hay noong nakaraang linggo.
Makikita pang dumating si Yap sa venue na sakay ng kabayo at may kasamang dalawang Igorot.
Ito’y sa kabila ng pagsirit ng COVID-19 case sa Cordillera Administrative Region.
Katuwiran ni Yap, lahat naman sila ng mga kasama niya ay na-test na negative sa coronavirus.
“Lahat ng mga tao, bago umakyat ng tao, kailangan maka-secure ng negative na test. We ensured all the protocols were in place. Itong mga kasama ko, mga kaibigan ko, were also tested negative,” ani Yap sa panayam sa ABS-CBN.
“Lahat ng mga tao, mayroon silang mga mask. That time papunta na yung mga tao sa buffet table. Pagkatapos noon, kakain na sila so tinanggal nila maskara nila. Pagkatapos noon, pumasok yung mga dancers na mag-community dancing so hindi nila nasuot mask nila na sumayaw sila,” dagdag niya.
Pakay din daw niya sa pa-party na i-promote ang Baguio bilang destination sa local tourism.
“Sa akin, ‘yun ang hangarin ko talaga. Para mag-push ang local tourism,” giit ni Yap.
Pero maraming netizen ang hindi tinanggap ang anila’y “excuse” ni Yap.
All sorts of excuses. Clearly it was not just during the “buffet” that they were not wearing a mask pic.twitter.com/yQNTjvEg9i
— brent99 (@murale61101320) January 26, 2021
Category is: “Socialites” in the midst of Pandemic
First up, Tim Yap pic.twitter.com/gWEePZaFEm
— 𝘑𝘰𝘴𝘦𝘱𝘩 (@iamsuperjopet) January 25, 2021
Sige Mr. Tim Yap, pakisabi yan sa lahat ng medical frontliners na nagdu-duty ng 12hours/day. Pakisabi yan lalo na dun sa mga nagdu-duty sa covid ward & quarantine facilities. Lakas ng loob niyo! Wala kayong konsensiya! Di niyo ba naisip ang hirap at sacrifices ng HCWs? 😤😡
— S ☯️ M (@fugou) January 26, 2021
i knew tim yap was TRASH when he wore a "make the philippines great again" sweatshirt and said with his whole chest that racism & ignorance is in the eye of the beholder 🙃🙃🙃 https://t.co/P07V2rjwhe
— 𝙢𝙖𝙧𝙞𝙖⁷ (@thetballesteros) January 25, 2021
We don't need someone like Tim Yap and friends to promote our tourism, especially if they can't even show how to be a responsible tourists. Alam na alam niyo naman kung gaano kami kainis sa mga iresponsableng turista dito sa'min. The nerve to use Baguio's tourism just to party.
— 🔥ᜐᜒᜇ᜔ᜌᜒᜌ᜔ 🏹 (@divergentmockin) January 26, 2021
I hate Tim Yap so much https://t.co/vDqmvD9LrI
— Katrina (@kat_retorta) January 26, 2021
TIM YAP, THERE'S PEOPLE THAT ARE DYING 🅱️🅾️🅰️🆖 https://t.co/hidKEmjMnL
— KimBHIErly (@kimxpossiblexx) January 26, 2021
Mukhang papunta ba to sa dinner table for buffet? Parang tanga tong si tim yap
— 𝔇𝔬𝔠 Ⓣ 𝑜𝓂𝓂𝒾𝑒, (@Mangtomasssss) January 26, 2021
Bawal mass gathering. Period
— @thelittlebigthing (@thelittlebigth2) January 26, 2021
More than 10 kayong nagpaparty na close-contact. So, no, @officialTIMYAP, you were NOT ensuring that all protocols were followed by your group
— B. (@gelabeansss) January 26, 2021