153
south-korea
Jan 11, 2018 @ 11:18
By

Wanted sa South Korea : 5,000 skilled workers

Mahigit 5,000 trabaho ang nakalaan para sa mga skilled workers na Pinoy na nais magtrabaho sa South Korea.

Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), bahagi ito ng quota na ibinibigay ng pamahalaan ng South Korea para sa mga sending countries na tulad ng Pilipinas

Kabilang sa mga trabahong nakalaan ay para sa factory na pang-electronics, textile, foods at chemical at tatanggap sila ng nasa P60,000 o $1,200 na basic pay.

Kailangan lamang mag-register sa POEA website dahil ang mga naka-register lang ang bibigyan ng schedule para sa Korean language exam at isasailalim din sa skills test ang mga papasa at sa medical exam.

Matatandaang noong 2004 ay umabot na sa mahigit 54,000 ang na-deploy na factory workers sa South Korea.

Paalala ng POEA, lahat ng nakalaang trabaho ay government-to-government ang proseso kaya sa POEA lamang lahat dadaan ang application at orientation at walang babayarang placement fee.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?