103

Nov 8, 2017 @ 12:46
By

Wanted sa rape na lolo, nabitag sa QC

Matapos ang limang taong pagtatago sa Metro Manila, nabitag na ng mga tauhan ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) National Capital Region ang isang 61 taong gulang na lolo na may kasong panggagahasa.

Ayon kay PNP-CIDG NCR Chief, Police Sr. Supt. Wilson Asueta, alas-dos ng hapon kahapon nang maaresto ang suspek sa BMA St., Banaue, Quezon City.
Kinilala ang suspek na si Dionisio Gonzales, residente ng Sitio Sinabaan, Barangay Budiong, Odiongan, Romblon.

Si Gonzales ay No. 3 Most Wanted Person ng Odiongan Municipal Police Station, sa Odiongan, Romblon.

Sa pagsisiyasat ng PNP-CIDG NCR natukoy nilang miyembro na ang naarestong suspek ng “Side Mirror Baklas Gang” na nag-o-operate sa Quezon City at mga kalapit lungsod.

Kahapon agad na isinailalim sa booking at arrest procedure ang naarestong suspek. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?