106

May 7, 2021 @ 16:37
By

Wanted sa panghahalay kay utol nabitag sa Bulacan

Matapos ang halos walong taong pagtatago, nasakote ng mga awtoridad ngayong Biyernes, Mayo 7 ang isang lalaking wanted sa panggagahasa sa sarili niyang kapatid na babae sa lalawigan ng Zambales.

Ayon sa ulat, nahuli ang suspek na kinilala lamang sa pangalang “Raymar” upang protektahan ang biktima, sa Cagayan Valley Road, Barangay Tabang, Plaridel, Bulacan.

Armado ang mga awtoridad ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Josefina Farrales, ng Regional Trial Court Branch 69 sa Iba, Zambales.

Isa si Raymar sa mga “most wanted persons” sa Zambales.

Inakusahan siya ng panghahalay sa kapatid noong Hulyo 21, 2013 sa Sta. Cruz.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,