24

Mar 2, 2020 @ 15:44
By

Wanted sa murder bumulagta sa engkwentro

Nasawi ang isang lalaking wanted sa kasong murder sa Laguna matapos manlaban umano sa mga pulis na maghahain sa kanya ng warrant of arrest sa Tiaong, Quezon, Linggo ng hapon.

Kinilala ang nasawing suspek na si Hadjaraszad Ricamara Cartina, 28 anyos, nakatira sa Barangay Bukal, Tiaong,

Batay sa report ng Quezon PNP, hahainan ng warrant of arrest ng magkakasamang mga tauhan ng Tiaong PNP, Quezon Police Provincial Intelligence Branch at Batangas Police Provincial Intelligence Branch ang suspek sa kanyang tinitirhang lugar sa Sitio Sandig subalit sa halip na sumuko ay pinaputukan umano nito ang dalawa sa mga aarestong pulis.

Gumanti ng putok ang dalawang pulis na nakilalang sina PSSg. Jhonie Ibañez at Patrolman Godfrey Ualat at tinamaan ang suspek sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Tinakbo pa ito sa ospital subalit dineklara na itong patay ng doktor.

Narekober mula sa suspek ang isang kalibre .45 baril at isang granada,

Ang suspek ay wanted sa kasong murder na nakasampa sa Regional Trial Court, Branch 108, ng Cabuyao City, Laguna.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?