123
Wanted sa kasong rape sa Ilocos Sur, huli sa Tarlac
By

Wanted sa kasong rape sa Ilocos Sur, huli sa Tarlac

Naaresto ang isang pugante na pinaghahanap ng batas dahil sa kaso nitong four counts of rape sa Ilocos Sur.

Ayon sa ulat, dinakip si Mark Verzo Miguel, 25, sa Tarlac nitong Lunes sa bisa ng arrest warrant na ipinalabas laban sa kanya ng isang korte sa Candon City.

Kabilang umano si Miguel sa listahan ng Department of the Interior and Local Government ng “most wanted persons”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?