23

Feb 25, 2021 @ 14:43
By

Wanted sa Bahrain, nasakote sa Cavite

Naaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Bahraini national na wanted dahil sa pagiging sex offender sa kanyang bansa.

Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang suspek na si Alsendi Waleed Abdulla Hamad, 43-anyos.

Nadakip siya noong Pebrero 23 sa Barangay San Francisco II, Dasmariñas, Cavite ng mga operatiba ng Fugitive Search Unit ng BI.

May warrant of arrest laban kay Hamad para sa sexual assault at possession of pornographic materials.

Nagtungo si Hamad sa Pilipinas noong Marso 2016 matapos akusahang nang-abusong sekswal sa isang babae sa kanyang apartment.

Nakadetine na siya sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City at nakatakdang i-deport pabalik sa Bahrain.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?