72
ABANTE cb cebulski marvel pinoy artist
Jan 15, 2018 @ 14:17

Wanted: Pinoy comic book artists para sa Marvel’s Chinese superheroes

Lilikha ng Chinese superheroes ang Marvel na makakasama nina Spider-Man, Iron Man at ng X-Men at naghahanap ng mga talentadong Pinoy na magiging parte nito.

Ayon sa isang opisyal mula sa popular na comic book, ito’y hakbang upang mai-promote nila ito sa Asya.

“As part of a push to grow its Asia fanbase, the Disney-owned franchise has released mobile games in China, opened “Marvel Stores” in South Korea and is searching for artistic talent in the Philippines,” ani Marvel editor-in-chief C.B. Cebulski sa Agence France Presse (AFP).

“We have been making great strides. We try to hire more Asian creators, writers and artists to bring a piece of their culture to Marvel comics,” dagdag pa niya.

Planong ipakilala ang dalawang Chinese superheroes na sina Sword Master at Aero, na nakabase sa China.

“They are going to be heavily based on Chinese culture and mythology, but set in the modern world and they will interact with the other heroes, in the Marvel universe,” paliwanag ni Cebulski.

Iguguhit na manga style ang dalawang karakter na sikat sa Asya.

Kaugnay nito, ire-release naman ang bagong Marvel movie na Black Panther sa susunod na buwan.

Mayroon nang mga nilikhang black superheroes ang Marvel katulad nina T’Challa at Luke Cage pero wala pang Asian superheroes.

Kasalukuyan nang may Filipino illustrators ang nagtatrabaho sa Marvel comics mula pa noong 1970s.

Ikatlong pinakamalaking lahi ng mga artists na empleyado ng Marvel sa likod ng mga Amerikano at Italyano, ani Cebulski.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?