16
abante jail crime paranaque
Oct 13, 2021 @ 11:59
By

Wanted na Taiwanese tiklo sa Quezon

Nalambat ng mga awtoridad sa Real, Quezon ang isang Taiwanese na 17 taon nang pinaghahanap sa kanyang bansa sa kasong attempted murder.

Ayon sa ulat ng Bureau of Immigration (BI) ngayong Miyerkoles, nahuli si Huang Kuan-I, 53-anyos, noong Oktubre 11.

Taong 2004 pa umano nang masampahan ng kaso si Huang sa Taiwan matapos barilin ang kanyang nakaalitan.

Bukod dito, napag-alaman din na dalawang taon nang paso ang kanyang pasaporte. Taong 2009 siya dumating sa Pilipinas.

“Aside from being an undesirable alien, he will also be deported for being an undocumented alien because his passport already expired in February 2019 and has not been renewed since,” pahayag ni BI-fugitive search unit (FSU) acting chief Rendel Ryan Sy.

“He fled to the Philippines a year before a Taiwanese judge sentenced him to eight years in prison for attempted murder,” dugtong pa ni Sy.

Sa ngayon ay naka-detain si Huang sa BI warden facility habang inaasikaso ang kanyang deportation. HIndi na rin siya papayagang makapasok ng Pilipinas. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?