82

By

Wanted na octogenarian lawyer, 10 pa arestado

Nalambat ng mga awtoridad ang 11 pinaghahanap ng batas kabilang ang 83-anyos na abogado sa Quezon City.

Kinilala ang naarestong octogenarian lawyer na si Atty. Camilo Sabio, residente ng Biak Na Bato, Santa Mesa Heights, Quezon City.

Dinakip ng si Sabio sa bisa ng warrant of arrest sa kaso nitong “Failure of Accountable Officer to Render Accounts, Defined and Penalized” sa ilalim ng Revised Penal Code.

Sa hiwalay na operasyon, nadakip naman ng Masambong Police Station si Zaldy Roda, 33, ng Brgy. Paltok, SFDM.

Nakapiit siya sa Quezon City Jail Annex sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City sa kasong paglabag sa RA 9165.

Naaresto rin ang wanted na si Jocelyn Evangelista, 46, sa kasong 5 counts na paglabag sa “Act Penalizing the Making or Drawing and Issuance of a Check without Sufficient Funds or Credit and for Other Purposes”.

Kabilang din sa mga nadakip sina Carmelito Obcemea, 73; Ricky Salonga, 31; Arnel Panganiban, 36; Noel Fernando, 44; Rodnie Rellores, 39; Mercylinda Miron, 38; George Guerzon Jr., 34; at Melisa Ramirez, 40, dahil sa iba’t ibang mga kaso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?