2
views
handcuffed
By

Wanted na Norwegian na pumatay ng kapatid, arestado ng BI

Sharing is caring!

Nadakip ng mga kagawad ng Bureau of Immigration (BI) ang isang puganteng Norwegian, na pinaghahanap ng batas dahil sa pagpatay nito sa kanyang kapatid noong 2016.

Naaresto si Helge Stensland, 52, ng mga ahente ng Fugitive Search Unit ng BI sa Sta. Cruz, Laguna.

Ayon sa report, nagkaroon umano ng pagtatalo si Stensland at utol nitong si Audun na nauwi sa pagsusuntukan sa bahay ng salarin sa Oslo.

Sa tagpong ito umano sinaksak ni Stensland ng kutsilyo sa dibdib ang kanyang kapatid na tinamaan sa puso kaya namatay.

Tumakas umano si Stensland patungong Pilipinas noong Abril 11 ng kasalukuyang taon.

Pinoproseso na rin ang deportation ng salarin pati na ang pagsasama rito sa blacklist order.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?