233

Dec 22, 2017 @ 16:19
By

Wanted na nag-apply ng police clearance, pinosasan

Sa halip na makakuha ng police clearance, rehas na bakal ang kinasadlakan ng ika– 41 wanted na suspek matapos na posasan sa tanggapan ng Police Clearance ng Quezon City Police District (QCPD) na nakabase sa Quezon City Hall.

Kinilala ni QCPD Director Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang naarestong si Reagan Valera, 35–anyos ng Brgy. Tandang Sora, sa nasabing lungsod.

Si Valera ay may outstanding warrant of arrest na inisyu ni Hon. Corpus B. Alzate, presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 2, Bangued , Abra, sa kasong murder.

Siya ay inaresto ng mga personnel ng police clearance division hepe ng QCPD Police Clearance na pinamumunuan ni P/Chief Insp. Rodel C. Maritana, dakong alas- 4:30 ng hapon nitong December 20, 2017, nang lumitaw sa computerized system na kabilang ito sa mga wanted na pinaghahanap ng mga awtotidad.

Nabatid na si Valera ang ika- 41 wanted na nadakip ng QCPD Clearance Section.

“Wala talagang ligtas sa QCPD ang mga wanted ng batas kahit saan man sa bansa na-issueang warrant, kaya kami ay talagang Proud to be QCPD, “ dagdag ng QCPD director. (Dolly B. Cabreza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?