35

Jul 13, 2021 @ 17:02

Wanted na lalaki sa Pampanga tiklo

Nadakip nitong Linggo ang isa sa most wanted persons sa Porac, Pampanga na anim na taong nagtago sa pulisya.

Kinilala ang suspek na si Ronald Layug. 35 anyos.

Noong Hunyo 4, 2015 pa umano inilabas ng Angeles City Regional Trial Court ang warrant of arrest laban kay Layug dahil sa paglabag nito sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa Mariveles, Bataan umano nagtago ang suspek sa loob ng anim na taon.

Ngunit nang malaman ng pulisya na naroon sa Barangay Pio sa Porac si Layug ay agad nilang ikinasa ang pag-aresto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?