27

By

Wanted na Koreano, ipade-deport ng BI

Isang wanted na South Korean ang ipatatapon ng Bureau of Immigration (BI) pabalik ng kanilang bansa.

Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang puganteng dayuhan na si Kang Bum Su, 47 taong gulang, na nadakip ng mga operatiba ng BI-Fugitive Search Unit (FSU) sa kanyang bahay sa Barangay Anonas sa Clark Avenue, Villasol Subdivision sa Angeles City, Pampanga noong Martes.

Nabatid na si Kang ay naisyuhan na ng BI ng warrant of deportation noon pang Nobyembre 4, 2016.

Dagdag pa ni Morente, kinansela na rin ng South Korea ang pasaporte ni Kang kaya lumalabas na siya ay isa nang undocumented alien.

Inilagay na rin si Kang sa blacklist ng BI.

“He was already included in our blacklist to prevent him from re-entering the country,” saad ni Morente.

Si Kang ay ipinaaaresto ng hukuman sa Korea noon pang Agosto 25, 2015 matapos masangkot sa insidente ng karahasan.

Sinabi naman ni FSU chief Bobby Raquepo na mahigit anim na taon nang nagtatago sa bansa ang wanted na dayuhan matapos lumabas sa kanilang database na si Kang ay dumating sa Pilipinas noon pang Hulyo 24, 2011 at mula noon ay wala na itong rekord na siya ay umalis sa bansa.

Inaasahan namang darating sa Maynila ang isang grupo ng mga pulis mula sa Korea para sunduin si Kang at eskortan pabalik sa kanilang bansa. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?