240
kulong
Apr 26, 2019 @ 16:52
By

Wanted na Abu Sayyaf member na nagtatrabaho bilang pekeng sekyu, arestado

Isang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group na pinaghahanap ng batas dahil sa kasong kidnapping at serious illegal detention ang nadakip sa Muntinlupa City, Huwebes ng gabi.

Kinilala ng Philippine National Police (PNP) ang suspek na si Aldemar Murih Sayari.

Nakumpiska sa kaniya ang pekeng lisensiya na ginagamit niya para makapagtrabaho bilang security guard sa isang establisyimento sa nabanggit na siyudad.

Nahuli si Sayari sa Filinvest 3, Alabang Town Center dakong alas-sais ng gabi.

Nadiskubre ring iligal na nag-o-operate mula pa 2014 ang private security agency na Blue Panther na nag-hire kay Sayari.

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Southern Police District sa Taguig City si Sayari.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?