113

By

Wanted: Boyfriend sa halagang P4,126,369.57

Sharing is caring!

Napag-alaman na babayaran ni Jane Park, isang Euromillionaire ng halos £60,000 o ₱4,126,369.57 ang papayag na maging boyfriend niya, ito ay matapos magkaroon ng maraming bigong relasyon.

Matatandaang nanalo si Jane sa isang lottery anim na taon na ang nakakalipas at siyang pinakabatang nanalo sa edad na 17. Ngayon, ang 23 anyos na dalaga ay nagtayo ng isang website para makapag-apply ang mga kalalakihan para maging katipan niya.

Ayon sa isang source, pinakamahalaga para sa dalaga ang loyalty at maliit na bagay ang pagbabayad dito.

Ang proseso ng screening ay sinasabing magiging isang documentaryo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?