71

Jun 23, 2020 @ 13:19
By

Wanted: 2K BPO staff na work from home

Good news para sa mga naghahanap ng home-based na trabaho: nangangailangan ang isang Singapore-based business process outsourcing company ng 2,000 kawani.

Sa isang pahayag, sinabi ng Everise Holdings Inc. na layon nilang damihan ang kanilang 3,000 empleyado dito sa Maynila at 12,000 sa daigdig.

Sa nagdaang 2 taon, milyon-milyong dolyar umano ang nilaan ng naturang kompanya para sa gamit, pagsasanay, infrastructure, at security practice para makaya ng kanilang mga kawani na magtrabaho sa bahay.

Hindi naman tinukoy kung paano maga-apply ang mga interesado sa nasabing posisyon.

Una nang sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na nasa 6,000 trabaho ang bubuksan sa BPO industry, habang bumabangon ang nasabing sektor sa harap ng pandemyang COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?