142

By

Wang ‘pinagtawanan’ si Serena

Tapos ang maliligayang araw ni Serena Williams sa Australian Open.

Kahit si Serena, hindi makapaniwala na mapapatalsik siya nang napakaaga sa Melbourne – sa third round lang. Earliest exit niya ito sa Melbourne Park sa nakalipas na 14 years.

Paano nangyari?

Sibak siya kay 27th-seeded Wang Qiang 6-4, 6-7 (2), 7-5 nitong Biyernes.

Pagkatapos ng paluan, si Wang ang sumalang sa winner’s interview sa Rod Laver Arena. Si Serena, bitbit ang dalawang malaking bag habang malumanay na naglalakad papasok ng locker room.

Sa huling 11 years, ngayong lang nangyari sa isang grand slam tournament na lahat ng top 10 seeded women ay nakapasok sa third round. Walang nakaisip na si Serena ang unang mag-iimpake.

Una ay pinuri muna ni Williams si Wang, maya-maya ay pinupuna na ang sariling laro.

“I didn’t return like Serena. Honestly, if we were just honest with ourselves, I lost that match,” ani Williams. “I can’t play like that. I literally can’t do that again.”It’s unprofessional. It’s not cool.”

Inabot ng 2 1/2 hours ang laro, natapos nang lambatin ng net ang backhand ni Serenad – pang-27th unforced error niya sa backhand side at bahagi ng 55 miscues kumpara sa 20 lang ni Wang.

“I’m better than that,” giit ni Williams.

Sa news conference, tumatawa si Wang habang nagsasalita: “I always believed I could do this one day. I didn’t know which day.”

Pito sa 23 trophies ni Williams ay mula Aussie Open. (VE)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?