33

Mar 5, 2020 @ 17:37
By

Wanderland 2020 pinagpaliban dahil sa coronavirus

Sunud-sunod ang mga pagtitipon na nakakansela dahil sa new coronavirus disease (COVID-19) outbreak.

Inanunsiyo ng mga organizer na maaantala ang Wanderland Music and Arts Festival 2020 na dapat sanay gaganapin ngayong weekend, Marso 7 hanggang 8, sa Filinvest City Events Ground sa Muntinlupa City.

“In compliance with the directive of the City Government of Muntinlupa not to hold the event at this time due to the recent advisory of the World Health Organization (WHO) upgrading the risk assessment of the COVID-19 virus to the highest level, we are left with no choice but to reschedule Wanderland 2020 to a later date,” wika ng Wanderland sa Facebook kahapon, Marso 4.

Kabilang sa mga dapat magtatanghal sa nasabing event sina Joji, Bruno Major, Foals, Sabrina Claudio, Ben&Ben, Ari Lennox, IV of Spades, Raveena, Omar Apollo, Novo Amor, Flu, at Ysanygo.

Sunod na iaanunsiyo ng mga organizer ang mga detalye sa refund at rescheduled date.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?