2,169
dot-secretary-wanda-teo
By

Wanda Teo nainsulto sa Rolex watch at Coach bags

Sharing is caring!

INSULTO para kay dating Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo ang ulat ng Commission on Audit na may P2 milyong halaga ng mga mamahaling bagay ang nakuha niya sa Duty Free Philippines.

Iginiit ni Teo, sa isang panayam, na hindi siya gumagamit ng Coach bags at matagal na siyang may mga relong Rolex.

Dagdag pa nito, hindi niya alam na may ‘signature bags and watches’ ang Duty Free Phils.

Banggit pa nito, nagbilin na rin siya sa Duty Free na magbenta ng mga ‘branded items’ para sa mga mayayaman na kustomer.

Kaugnay sa mga nakuha diumano niya sa Duty Free na nagkakahalaga ng P2 milyon, sinabi ni Teo na ipinamigay nila ang mga ito sa kanilang corporate events at wala kahit isa sa mga ito ang napunta sa kanya.

Pagdidiin ng dating kalihim na may pera siya para bumili ng mga mamamahaling bagay at bumiyahe sa ibat ibang bansa.

Katuwiran pa nito, hindi siya bumibili ng luxury items sa bansa dahil mas mura ang mga ito sa ibang bansa dahil sa tax-free privileges.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?