1,134

By

Wanda Teo: Hindi ko alam na sina Ben at Erwin ang nasa Kilos Pronto

Sharing is caring!

Hugas-kamay si dating Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo sa kontrobersyal na P60 milyong advertising contract na kaniyang kinadadawitan kasama ng mga kapatid na sina Ben at Erwin Tulfo.

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ni Teo na hindi niya alam na mapupunta ang ibinayad ng Department of Tourism (DOT) sa Bitag Media Unlimited, Inc. (Bitag).

Ipinaliwanag na ang kontrata ay sa pagitan ng DOT at Peoples Television Network Inc. (PTNI/PTV4).

Ayon kay Teo, sa mga pinirmahan niyang kontrata ng DOT at PTNI, nakasulat na magpapasok ng tourism advertisments sa Kilos Pronto na programa sa PTV4.

Hindi umano niya alam na ang mga kapatid na sina Ben at Erwin ang nasa Kilos Pronto dahil ang alam niya lang na programa ng kapatid ay “Bitag.”

“I didn’t know na sila ang nasa Kilos Pronto. All I know is Ben is Bitag. Hindi ko alam na sila ang nasa Kilos Pronto,” sabi ni Teo.

Kung alam daw nya na ang mga kapatid ang host ng programa, hindi siya papabor na ibigay dito ang DOT contract.

“Out contract was DOT and PTV4. Beyond that hindi ko na ho alam. They could have told me,” sabi ni Teo.

“Kung alam ko I would not have signed the contract,” pahayag ni Gordon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?