203

Aug 14, 2018 @ 11:23
By

Wanda Teo: Hindi ilegal ang ad contract sa Bitag Media

Idinepensa ni dating Tourism Secretary Wanda Tulfo Teo ang P60 milyong advertising contract na nakuha ng mga kapatid mula sa Department of Tourism (DOT).

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ni Teo na naayon sa batas ang lahat ng may kaugnayan sa kontrata.

Idiniin na ang kontrata ay sa pagitan ng DOT at ng PTV4.

Ang PTV4 naman ang nagbayad para sa mga patalastas ng DOT na ipinalabas sa Kilos Pronto, programa sa PTV4 ng mga kapatid niyang sina Ben Tulfo at Erwin Tulfo.

“There was nothing illegal in the said contract. It is a government to government contract within the executive department. All payments were made directly to PTV4,” sabi ni Teo.

“I maintain that DOT ad placement with PTV4 had gone through proper channels,” dagdag ni Teo.

“The proposal was reviewed by the DOT staff and went thru Bids and Awards Committee and was then approved,” sabi pa rin ni Teo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?