0
views

By

Wamar, CEU Scorpions asa pa sa semifinals

Sharing is caring!

NABUHAY muli ang pag-asa ng Centro Escolar University (CEU) Scorpions na makasikwat ng semifinals spot sa PBA D-League Foundation Cup makalipas biguin ang Batangas-EAC Generals 84-75 Huwebes ng hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Isa magandang pagbabalik para sa EAC ang kanilang panalo dahil natalo sila sa huli nitong laro kontra Che’Lu Bar and Grill noong nakaraang linggo.

Nanguna para sa Scorpions si Orlan Wamar na rumehistro ng 17 puntos, walong assists at anim na rebounds, habang si Pierce Chan naman ay umayuda ng 13 puntos at 10 rebounds.

Si Judel Fuentes naman ay sumahog ng 12 puntos at pitong rebounds habang ang Cameroonian na si Gilles Oloume ay may 11 puntos, siyam na rebounds at apat na blocks.

“This is a very important game for us. There’s a lot at stake and we have not beaten Batangas. I think we were able to come out, we were very active defensively. Overall, I’m happy with the way the boys played, but we could be better,” ani CEU head coach Derick Pumaren.

Hindi naging madali ang pagkapanalo ng Scorpions dahil halos nahabol ng Generals ang 19 puntos nilang kalamangan sa tulong ng big man ng Generals na si Michael Mabulac na nagtala ng 27 puntos at 14 na rebounds.

Kasosyo ng Batangas-EAC sa team standings ngayon ang Marinerong Pilipino – TIP sa parehong 3-4 kartada.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?