128

Dec 11, 2017 @ 21:23
By

Walong airports pinarangalan ng CAAP

Binigyang pagkilala ang walong airports sa bansa na una nang binigyan ng star rating sa International Aviation Industry.

Ito ay kasabay nang paggunita ng ika-73 anibersaryo ng Chicago Convention o ang Convention on the International Civil Aviation sa opisina ng Civil Aviation Authority of the Phils., sa Pasay City kahapon.

Ang kinilala ay ang Iloilo, Bacolod-Silay, Davao, Tacloban, Laguindingan, NAIA, Kalibo at Puerto Princesa City airports at ito ay dahil sa pagkakakuha ng one star rating para sa On Time Performance base naman sa resulta ng 2016-2017 Official Aviation Guide survey.

Sinabi ni CAAP Dir. Gen. Jim Sydiongco na ang pagkilala ay bunsod nang pagsunod sa mga itinakdang regulasyon sa Chicago Convention.

Binanggit din nito na dahil sa teknolohiya at protocols nababawasan ang mga banta sa pagbiyahe sa himpapawid at sa mga pasahero. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?