29
wally-sombero
By

Wally Sombero, kulong sa Camp Bagong Diwa

Sharing is caring!

Biyaheng Camp Bagong Diwa sa Taguig muna ang dating pulis na si Wally Sombero matapos itong mabigo na agad kumbinsihin ang 6th Division ng Sandiganbayan na iditine siya sa PNP Custodial Center.

Hindi agad inaprubahan ng korte ang mosyon ni Sombero dahil binigyan pa ng 24 hours ang prosekusyon at pamunuan ng PNP Custodial Center na magkomento.

Ayon kay Justice Sarah Jane Fernandez, ipatitiyak nila sa BJMP ang seguridad ni Sombero habang nasa kulungan ito gayundin ang mga kapwa-akusado na sina Al Argosino at Michael Robles.

Tanggap naman ng abogado ni Sombero ang desisyon dahil natugunan na umano ang kanilang pangamba sa seguridad ng kanyang kliyente.

Tinangka pa ng abogado ni Sombero na si Atty. Lawrence Arroyo na ihirit ang pansamantalang kalayaan ng kanyang kliyente dahil may nakabitin pa silang motion to quash na nagpapabasura ng kasong plunder nito.

Pero ayon kay Justice Fernandez, ang dapat gawin ng kampo ni Sombero ay maghain ng petition for bail.

Samantala, binigyan naman ng korte ang prosecution ng hanggang sa Lunes para magkomento sa motion to quash nina Sombero at Argosino.

Ang kampo naman ni Robles ay nakatakdang maghain ng motion for reconsideration sa naibasura nilang omnibus motion kahapon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?