131

Feb 1, 2020 @ 14:25
By

Wally kinabiliban bilang komedyante

Trending si Wally Bayola nitong Sabado dahil sa galing nitong magpapalit-palit ng costume at props sa eksena sa mga contestant sa Bawal Judgmental segment ng “Eat Bulaga”.

Anang mga netizen, si Wally ang best definition ng pagiging comedian dahil marunong itong mag-joke na hindi nakaka-offend.

Nitong Feb. 1 ay si Manila Mayor Isko Moreno ang guest sa Bawal Judgmental kung saan maging ito ay tawang-tawa sa mga kakengkoyan ni Wally.

“Wally is the best part of #BawalJudgmental!!! Imagine just giving him whatever item for a costume or props, dalang-dala nya,” comment ni @carloslaron.


“Wally is throwing jokes without offensive attacks. Best definition of a comedian. Dalang-dala niya ang #BawalJudgmental,” saad ni @jhnkrlsddy_.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: