82
walking-dead

‘Walking Dead’ pinatawan ng maximum penalty sa pagkamatay ng stuntman

Sharing is caring!

Pinatawan ng maximum penalty ang production company na nasa likod ng AMC zombie series na “The Walking Dead” matapos mamatay ang isang stuntman nito, ayon sa US government.

Sa ulat ng Agence France-Presse (AFP), sinabi ng Department of Labor’s Occupational Safety and Health Administration (OSHA), na nabigo ang Stalwart Films na protektahan ang mga empleyado nito sa pagkahulog habang sinu-shoot ang TV show na “The Walking Dead”.

“OSHA issued a serious citation and proposed penalties totaling the maximum allowable fine of $12,675,” ayon sa isang pahayag.

Namatay sa ospital si John Bernecker noong Hulyo nang mahulog mula sa 22 talampakan na taas na balkonahe at una ang ulo na bumagsak sa konkreto habang isinasagawa ang shooting sa Senoia, Georgia.

Sinabi ng assistant director sa mga pulis na sumablay na makalapag si Bernecker sa safety cushion “by inches” at sinubukan niyang hindi mahulog sa pagkapit sa railing nang madulas siya, ayon naman sa ulat ng celebrity news website TMZ.

Si Bernecker ay nakapag-stunt na sa mga pelikulang “Get Out”, “Logan” at “The Fate of the Furious”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?